Random Pictures

Get the Flash Player to see the slideshow.

yesterday's thoughts

Recently Added

01-la-lang-the-laughing-kid-we-saw-in-the-bus-while-commuting.jpg 02-tricycle-ride-on-the-way-to-taal-lake.jpg 03-speeding-along-it-was-freezing-by-the-way.jpg 04-inside-the-trike.jpg

Featured Entrecard Dropper



Bloglogging

How'd you get here

I'm addicted to WeffRiddles

Currently on level 13.

yevka’s blog

…just about twentysomething…

Confession Session: May sakit ako, kung gusto kong hindi pumasok


**Reg, pasensya dear. Talagang kailangan mag tagalog pag tungkol sa trabaho hehehe.  :D

Alam ko na maraming tao sa opisina gumagawa neto - yung kunwaring may sakit.  Kse nga naman, minsan walang pahinga talaga o kaya may ibang gustong gawin, o talagang tinatamad lang.  Tapos, ke gamitin mo o hindi, walang diprensya.  Bayad ang pag hindi pag pasok kung may sakit.  Hindi naman yung icoconvert sa pera o kaya dagdag sa bayad na bakasyon kung hindi mo gamitin.  Kaya ang mga tao dito, kahit walang sakit, biglang may sakit.

Ginawa ko na to yung nakipaginuman sa barkada tapos sobrang ginabing uwi.  Lasing lasing, so hindi ako pumasok.  Ginawa kong rason yung gasgas na sakit na may alergi ako.  Kaso dito sa SG, kailangan magpakita ka muna ng prueba na nagkasakit ka galing sa manggagamot.  Kung wala nun, hindi bayad ang hindi mo pagpasok.  Eh dahil ala naman talaga akong sakit nun, di ako pumuntang manggagamot.  Dahil unang beses pa lang naman, sinabi ko na lang na hindi ko alam.  Sa susunod alam pupunta ako.

Eh kinarma ata ako.  Kse yung susunod na linggo, nagkasakit talaga ako.  So pumunta na ngayon ako ng manggagamot.  Binigyan nya ako ng gamot ng para sa sipon/ubo.  Yung susunod na araw, inatake ako ng alergi dahil sa ininom kong gamot.  Hindi naman malala.  So nabigyan ako ng dalawang araw na hindi daw ako fit na pumasok.

Pag nagkasungay ako, at ayaw pumasok, inum lang ako nung gamot na yun.  May rason na agad sa manggagamot.  Hehehe.  Ang salbahe ko talaga.  Malamang kakarmahan uli ako pag ginawa ko to. 

 

4 Responses to “Confession Session: May sakit ako, kung gusto kong hindi pumasok”

  1. fragileheart CANADA Says:

    LOL Eves… salbahe ka nga talaga. Pero… I don’t blame you naman. Kailangan mo rin nang rest no!

  2. Richard PHILIPPINES Says:

    Salbahe talaga yang si Yevka :glee:

    Pro na pro na yan pagdating sa mga palusot :lols:
    Richards last blog post..Lighter ko…

  3. yevka SINGAPORE Says:

    reg: onga naman. hehehe. hindi ko pa namn inaabuso.

    chard: at ikaw hindi? aminin…. :naughty:

  4. Chie UNITED STATES Says:

    hahaha, ako din dati naguguilty sa ganyan pero, maraming akong nakatrabaho na sabi, pwede mo naman gamitin ung days para sa “pag-alaga ng kalusugan”

    kaya pag kelangan ko ng ganung araw, ginagamit ko pa rin. pero syempre within reason naman.

    bawaaahhh.. bakit pati reply ko tagalog? hehehe
    :wave:
    Chies last blog post..

Leave a Reply




FireStats icon Powered by FireStats